Sabi ko nga


Minsan, kailangan talaga nating tanggapin ang ilan sa mga pinakamalulupit na katotohanan ng buhay - na kung di ka naman talaga kagandahan o kagwapuhan, piece of advice lang: save yourself the pain and the dissapointment. Wag ka ng maghangad na ala-model na boyfriend o yung kamukha ni Mario Maurer... o si Mario Maurer mismo. Malay mo, kaya 100 years ka ng single kasi abot langit na ang standards sa mo sa taas at nakarating na ng Africa ang listahan mo ng "Things I want my boyfriend to be" sa haba. Hirap yata nun. Si Georgina Wilson ka ba? o si Solenn Heussaff? Kung hindi, gising gising! Tama na ang mga di makatotohanang imagination at baka abutin ka pa ng isa pang century bako magkaboypren. Tsk

oo, alam ko, inspired ka din kapag nakakita ka ng mga mag-jowang mukhang tiniris na kuto yung babae tapos yung lalake eh sobra sa pagka-yummy. Ako rin, gaga. Pero wag! mainspire ka lang. Dahil ang mga ganitong klase ng sitwasyon ay sadyang "swerte" lamang o kaya'y di lang nakapagpacheck-up sa opthalmologist yung lalake. Mahirap talaga yang iexplain, either nadala sa landi, o sa kabaitan, o sa dasal, o sa gayuma. Maraming factors. Pero hindi yan ang punto. Ang punto ko, babaan mo ang standards mo. Mamumulat ka, promise.

oo, may point sila nang sabihing maswerte yung mga ipinanganak na maganda o gwapo dahil nakalibre na sila sa isa sa pinakamahirap na problema sa mundo - ang problema sa mukha. Pero day, hindi lahat ng mabubuti o ameyzing na tao sa mundo ay yung mga sexy at mga mukhang artista. Tumingin-tingin ka sa paligid mo, pansinin mo ang mga taong nakapalibot sayo, at wag lang yung mukha nila ang pansinin mo, kundi pati na rin ang personalidad nila, ang puso nila, talento, talino, at iba pa. oo, pansinin mo yung mga taong dati'y wala lang sayo at di mo man lang matagalan tingnan ng kahit ilang minuto. In short, wag mong isasara ang pinto mo dun sa mga pedestal na pangarap mo kundi buksan mo rin ang mga posibilidad sa mga taong di pasok sa "standards" mo pero may maibubuga rin naman kahit papaano.

P.S. oo, sinapian ako ngayon ni Ramon Bautista.
Tuesday, May 24, 2011 @ 2:58 AM / 0 daisies


« Older posts Newer posts»



Copyright ©. Layout by OhMissLinda.
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
Picture from: Tumblr All rights reserved 2011 - Infinite.