Panaginip

Kagabi napaginipan kita. Di ko naman hiningi ki Lord yun eh, basta na lang. Naiintindihan siguro kasi niya kung gaano na kita kamiss at kung gaano na kita gustong makita... naiintindihan niya, ikaw hindi. Hindi ka pa rin nagpapaaninag :(
Sa panaginip ko, masaya. Madaldal ka, di tulad ng normal na ikaw. Kinakausap mo ko, hindi yung torpeng ikaw. Nagtake-out tayo ng pizza, umuulan kaya pinayungan mo ko... haay. Ano bang dapat kapalit para maranasan ko to in real life? Ikaw na lang talaga hinihintay ko para makumpleto ang simpleng buhay na ito. Ikaw na lang...
Sabi nga sa status ng friend ko sa fb, "Kung pwede lang i-google ang feelings mo, ginoogle ko na." Kung pwede nga lang talaga.

Panaginip, nakakabaliw... Nakikita nga, di naman natatanaw.
... Ang pag-ibig na sana'y alay sayo, talaga namang di na matutuloy :(
Friday, January 21, 2011 @ 6:39 PM / 0 daisies


« Older posts Newer posts»



Copyright ©. Layout by OhMissLinda.
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
Picture from: Tumblr All rights reserved 2011 - Infinite.