Usad Pagong


Nakaka...

Teka, di ko alam kung nakaka-ano yung feeling na yun (basta something positive) kung bakit kahit ang huling kita ko pa sayo eh before pa mag-sembreak (wooh. tagal na!) eh nananatiling ikaw pa rin. ♥ Labo noh? Parang picture mo lang sa taas.
Ewan ko rin kung bakit kinikilig pa rin ako kahit na alam kong aksidente lang na ako lagi ang nasa featured friends mo kapag natitiyempuhan kong mapadpad sa facebook page mo. Pero sabi nga sa title ng post na to, Usad pagong tayo. Mula ng inadd mo ko at naglike ka ng status ko at nagmessage ako sayo ng happy birthday na may konting twist at nagreply ka ng welcome na may kasamang joke eh wala ng sumunod pa. Usad pagong ngang talaga.

Pero tanong lang, may ibibilis pa kaya ang pagong? Kung may magagawa lang ako, diba? Nang matuto naman ang animal na yon na tumakbo at magmadali. Pero parang violating the rule of nature yun kung nagkataon. So ibig sabihin, ikaw at ako... we're a violation to the rule of nature? Ah, Labo. Parang picture mo lang talaga sa taas. Wasuy.


Labo ko talaga. Makatulog na nga.
Wednesday, December 29, 2010 @ 6:47 AM / 0 daisies


« Older posts Newer posts»



Copyright ©. Layout by OhMissLinda.
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
Picture from: Tumblr All rights reserved 2011 - Infinite.